Matagumpay na nailunsad noong Oktubre sa US ang pagtatatag ng Christians for National Liberation-Compatriots (CNL-Compatriots). Ang balangay ang pinaka-unang sub-sektor sa ilalim ng Compatriots na naglunsad ng pandaigdigang asembliya.

Nagtipon sa asembliya ang nasa 120 lider ng pananampalataya mula sa iba’t ibang balangay at selula ng CNL-Compatriots, at mga tagamasid mula sa Compatriots-National Democratic Front of the Philippines (NDF), Kabataang Makabayan-Compatriots, MAKIBAKA-Compatriots at iba pa. Naglunsad din ng kasabay na pagtitipon sa iba’t ibang bansa ang mga balangay ng CNL-Compatriots.

Sa pagtitipon, tinalakay ang naganap na kongreso ng Compatriots nitong taon at ang naging pag-unlad ng rebolusyonaryong kilusan sa hanay ng mga Pilipinong migrante. Nagbigay-pugay din ang kongreso kay Ka Louie Jalandoni, isa sa tagapagtatag ng CNL at dating punong negosyador ng NDFP.

Nagpahayag ng pakikiisa ang mga balangay ng mga organisasyon sa ilalim ng NDFP sa iba’t ibang bansa. Nagpahayag din ng pagpupugay ang lider ng CNL sa Pilipinas. Ayon sa CNL, kritikal na tungkulin ng mga kilusan ng mga progresibong simbahan, at panawagan para maging saksi sa pakikibaka ng mamamayan at mag-ambag sa pagsusulong ng digmang bayan sa Pilipinas.

Sa ikalawang araw ng asembliya, pinag-aralan at tinalakay ang mga dokumento ng organisasyon, kabilang ang oryentasyon, programa, tatlong-taong programa, at kampanya. Naglunsad din ng eleksyon at nagbuo ng komiteng tagapagpaganap at konseho para sa balangay ng CNL -Compatriots sa US, at pandaigdigang komiteng tagapagpaganap at konseho.

Nagtapos ang aktibidad sa isang gabi ng pagtutuon ng pananampalataya at pagdiriwang. Nagpahayag ng paninindigan ang mga kalahok at tagamasid sa pagsusulong ng digmang bayan sa Pilipinas. Nagpahayag ng higit na pananinindigan ang CNL-Compatriots sa misyon nito na maging bahagi ng mahihirap at inaapi.

The post Asembliya ng Christians for National Liberation-Compatriots, inilunsad appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.